Ely Pamatong nangangambang magaya kay Senador Trillanes

Natatakot ang kilalang kritiko ng administrasyon na si suspended lawyer Ely Pamatong na baka siya ang isunod kay Senador Antonio Trillanes IV na iparesto ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang pahayag ay ginawa ni Pamatong nang magtungo ito sa Senado para ipakita ang kanyang suporta sa senador na binawian ng amnestiya ni Duterte.

Araw-araw daw kasi itong binabanatan at tinatawag na usurper.

Nangangamba si Pamatong na baka magaya siya kay Trillanes na ipinaaresto nang walang dahilan at walang warrant of arrest.

Naniniwala naman si Pamatong na hindi lamang pulitika ang dahilan ng pagpaparesto kay Trillanes kundi ang pagiging diktador ni Pangulong Duterte.

Payo naman ni Pamatong sa senador na ituloy ang laban dahil siya ngayon ang sumisimbolo sa demokrasya sa bansa.

Read more...