Commercial building sa Recto, Maynila natupok ng apoy

Contributed Photo

Sumiklab ang sunog sa isang commercial building sa Recto Ave. cor Nicanor Reyes St. Sampaloc, Maynila, Miyerkules ng gabi.

Ayon sa ulat ng mga awtoridad, nagsimula ang sunog sa ground floor ng Orient Pearl Arcade Building bandang alas-9 ng gabi.

Ang naturang building ay nasa harap ng LRT 2 at isang motel.

Alas-9:39 ng gabi ng itaas sa ikatlong alarma ang sunog.

Dahil sa makapal na usok ay nahirapang makapasok sa building ang mga bumbero kaya’t hindi agad naapula ang apoy.

Isinara pa ang ruta ng mga sasakyan papuntang Divisoria dahil sa mga rumespondeng fire trucks.

Patuloy na inaalam ang dahilan at kung magkano ang pinsalang idinulot ng sunog.

Alas-4:35 kaninang madaling-araw ng ideklarang under control ang sunog.

Read more...