Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang House Bill 4113 o ang panukala para sa pagpapalawig ng maternity leave.
Sa botong 191 na YES at 0 na NO lumusot ang panukala na magiging 100 araw ang maternity leave ng mga nagsilang na nanay.
Sa ngayon kasi, 60 hanggang 78 araw ang maternity leave na itinatakda ng batas.
Sa ilalim ng panukala, mayroon pang opsyon na i-extend ng 30-araw pa ang maternity leave pero hindi na ito paid leave.
60-araw naman na maternity leave ang ibibigay para sa mga nakunan.
Sakop ng expanded maternity leave ang mga manggagawa sa private at public sector.
Layunin ng panukala na mabigyan ng sapat na panahon ang mga bagong panganak na manggagawa na makabawi ng lakas at makasama ng mga ito ang kanilang mga sanggol ng matagal bago muling magtrabaho.