WATCH: Montero biglang umatras at hindi na nakontrol ng driver

Kuha ni Isa Umali

Habang tensyonado ang sitwasyon sa loob at labas ng senado noong Martes matapos ang pagbawi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa amnestiyang ibinigay kay Senator Antonio Trillanes IV isang sasakyan ang agaw-eksena.

Isang kulay itim na Mitsubishi Montero kasi ang bigla na lamang dire-diretsong umatras at hindi nagawang makontrol ng driver nito.

Basag ang salamin sa likod at na-flat ang gulong ng sasakyan ng dumeretso sa damuhang bahagi malapit sa Manila Film Center sa Pasay City na ‘di kalayuan sa senado.

Narito ang balita Isa Avendaño-Umali:

Read more...