Trillanes kay Duterte: Manggigipit lang palpak pa

Nakakaalarmang katangahan.

Ganito inilarawan ni Senator Antonio Trillanes IV ang ginawa ng administrasyong Duterte na pagbawi sa kaniyang amnestiya.

Ani Trillanes, may live coverage pa ng media nang maghain siya noon ng aplikasyon para sa amnestiya at mayroon siyang hawak na amnesty certificate na magpapatunay nito.

Nagtataka din ang senador kung bakit gusto siyang ipaaresto ng Department of Justice (DOJ) gayong taong 2011 pa nang ibasura ng Makati RTC ang kasong niyang kudeta at rebelyon.

Maging ang kasong administratibo niya sa court martial ay nabalewala na dahil hindi na siya maituturing na nasa serbisyo pa bilang sundalo mula pa noong 2007.

Paliwanag ni Trillanes, taong 2007 naging isang sibilyan na siya mula noong maghain siya ng Certificate of Candidacy kaya hindi rin pwedeng ituloy ang court martial proceedings laban sa kaniya.

Aniya, kahit nabawi pa ang amenstiya, maituturing na siyang sibilyan at hindi na sundalo.

Ibinigay ni Trillanes ang nasabing mga pahayag at reaksyon ilang minute matapos ilabas ng Makati RTC ang kautusan na nag-aatas sa kaniyang magsumite ng komento sa hiling ng DOJ na mag-isyu ng arrest warrant laban sa kaniya.

Read more...