Sa imbestigasyon ng pulisya, nakaupo lamang sa harapn ng tindahan ang biktimang si Gilbert Lavadia, 48 anyos, nang dumating ang riding in tandem at saka siya pinagbabaril.
Naisugod pa sa ospital si Lavadia pero idineklarang dead-on-arrival.
Ayon kay Superintendent George Cablarda, hepe ng Tuguegarao City Police, noong 2016, si Lavadia ay naaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency Region 2 dahil sa pagkakasangkot sa ilegal na droga.
October 2017 naman nang makalaya si Lavadia sa pagkakabilanggo pero sa halip na magbagong-buhay ay bumalik ito sa operasyon ng ilegal na droga.
Patuloy pa ang imbestigasyon sa pagpatay sa biktima at sa pagkakakilanlan ng dalawang salarin.