Voters’ registration ngayong araw exclusive para sa mga PWDs at senior citizen

Ekslusibo ang voters’ registration ngayong araw sa buong bansa para sa mga senior citizen at persons with disabilities (PWDs).

Sa abiso ng Commission on Elections (Comelec) ngayong Miyerkules, Sept. 5, pawang PWDs lamang at senior citizen ang maaring magparehistro sa lahat ng Comelec offices sa buong bansa.

Maliban sa pagpaparehistro, tatangapin din ang mga PWD at senior citizen na magpapalipat ng rehistro, magpapa-reactivate o magpapabago ng entries.

Ang special exclusive registration ay tatagal hanggang mamayang alas 5:00 ng hapon.

Read more...