Pagdinig sa naaksidenteng eroplano ng Xiamen sa NAIA isasagawa ng Kamara

Inquirer Photo: Marianne Bermudez

Sisimulan na ngayong umaga ng house committee on transportation ang imbestigasyon kaugnay sa pagsadsad ng eroplano ng Xiamen Air sa Ninoy Aquino International Airport.

Ayon kay Catanduanes Rep. Cesar Sarmiento, pinuno ng komite pahaharapin nila sa pagdinig ang mga piloto at kinatawan ng Xiamen Airlines upang pagpaliwanagin sa insidente.

Aalamin anya nila sa mga ito kung ano ang naging dahilan ng pagsadsad ng eroplano na nagdulot ng perwisyo sa napakaraming pasahero.

Sinabi ng mambabatas na hihingin din nila ang resulta ng imbestigasyon na isinagawa ng DOTr, NAIA, MIAA at CAAP sa nangyari.

Maging ang mga opisyal ng OWWA, POEA at mga recruitment agency ay pahaharapin din sa imbestigasyon para alamin ang ginagawa ng mga ito para sa kapakanan ng mga na-stranded na OFW dahil sa pagsasara ng runway ng NAIA.

Read more...