Pilipinas sa Israel na lang bibili ng military equipment ayon kay Pang. Duterte

Palace Photo

Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na tanging sa Israel na lamang bumili ng military equipment lalo na para sa intelligence gathering.

Ginawa ng pangulo ang pahayag sa kanyang pakikipagpulong kay Israeli President Reuven Rivlin sa Jerusalem.

Naniniwala ang pangulo na secured na bumili ng armas sa Israel.

Dagdag ng pangulo, bagama’t kaibigan ang America, Germany at China, kung may ibebenta naman na armas ay tiyak na nakikinig din sila sa usapang panloob ng Pilipinas.

“My orders to my military is that in terms of military equipment particularly intelligence gathering, we only have one country to buy it from them. That is my order specifically, Israel, because… Well, I… America is a good friend but you know, if he would sell you something, he would also be listening,” ayon sa pangulo.

Naniniwala ang pangulo na hindi gagawa ang Israel ng bagay na ikasisira ng relasyon nito sa Pilipinas.

Magkalayo kasi aniya ang Pilipinas at Israel kung heopolitics ang pag-uusapan.

Sinabi pa ng pangulo na malaki rin ang pagkakapareho ng Pilipinas at Israel dahil parehong pumapanig ang dalawang bansa kung ano ang morally right.

Read more...