Ilang Filipino Americans ang tampok sa serye ng Broadway productions at North American Touring ng kwentong “Alladin” ng Disney.
Sina Arielle Jacobs at Lissa De Guzman, kapwa Fil-Ams ay gagampanan ang karakter bilang Princess Jasmine sa serye ng musical tour.
Kasama ding gaganap sa Broadway production ang Fil-Am na si Don Darryl Rivera bilang Iago – ang parrot sa pelikulang Alladin pero tao ang kaniyang ganap sa musical.
Si Jacobs ay nagsimulang gumanap bilang Jasmine noong 2016 sa isang Australian production at nagsimulang makalahok sa Broadway production ngayong taon.
Ang kapatid niyang si Adam Jabocs ay dati na ring gumaganap bilang Aladdin sa Broadway mula 2014.
MOST READ
LATEST STORIES