Pagdedeklarang void sa amnesty ni Trillanes hindi na kailangan ng consent ng Kongreso — Malacañan

Naninidgan ang Palasyo ng Malacañan na hindi na kailangan ng consent ng Kongreso para gawing void ang amnesty ni Senador Antonio Trillanes IV.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, unang una pa lamang, trabaho ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipatupad ang batas sa bansa.

Nang makumpirma aniya na hindi sumunod si Trillanes sa mga precondtion para sa amnesty, walang ibang ginawa ang pangulo kundi ipawalang bisa ang amnesty.

Sinabi pa ni Roque na hindi kailangan ng consent dahil ang kaso ni Trillanes ay isang executive determination.

Sinang ayunan naman ito ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo.

Ayon kay Panelo, hindi na kailangan na sumangayon ang kongreso dahil una pa lamang, wala nang bisa ang amnesty na nakuha ni Trillanes.

Read more...