Kung si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ay kayang i-detain dahil sa kasong plunder isyu ng PCSO funds, dapat ding panagutin si Pangulong Noynoy Aquino at ang kanyang mga opisyal sa usapin naman ng Disbursement Acceleration Program o DAP.
Ito ang pananaw ni Atty. Estelito Mendoza na abugado ng ng dating pangulo na aniya ay patuloy na hinigop it sa kabila ng kawalan ng ebidensya laban dito.
Paliwanag ni Mendoza, maari nang makita ang kapalarang sasapitin ni Arroyo sa hinaharap sa sistema ng nangyayari ngayon sa pagdinig.
At kung mako-convict aniya ang dating pangulo, gamit ang kasalukuyang doktrinang ipinaiiral ng anti-graft court kay Arroyo, malaki ang magiging problema ni Pangulong Aquino at maging ni Budget Secretary Florencio Butch Abad sa oras na bumaba sila sa puwesto.
Dagdag pa ni Mendoza, ang Disbursement Acceleration Program, na isa sa mga isyung posibleng kaharapin nina Aquino at Abad matapos ang 2016 ay idineklara nang unconstitutional ng Korte Suprema.
Kung ang pag-ootorisa aniya ni Arroyo na i-release ang confidential intelligence funds ng PCSO ay matuturing na “raiding the treasury” na may karampatang kasong plunder, ganito rin dapat ang kakaharapin nina Aquino at Abad nang payagan nitong i-release ang pondo ng DAP.