Mamimigay si boxing champ Manny Pacquiao ng P100,000 sa bawat manlalaro ng Letran Knights.
Si Pacquiao ang tumatayong team manager ng Letran Knights simula noong Hulyo.
Ito ay magsisilbing pa-bonus ni Pacquiao sa Letran matapos nilang maiuwi ang kampeonato sa National Collegiate Athletic Association (NCAA) Season 91 Men’s Basketball Finals.
Sampung taong uhaw sa tagumpay ang Letran ngunit kahapon, nagawa nila ang San Beda Red Lions na limang taon nang matindi ang kapit sa titulo.
Natapos ang laro sa iskor na 85-82 pabor sa Letran.
MOST READ
LATEST STORIES