Bumagsak pa lalo ang halaga ng piso kontra dolyar nitong Martes.
Nagsara sa P53.53 kada isang dolyar ang palitan mula sa P53.46 noong Lunes.
Ito na ang pinakamababang halaga ng piso sa loob ng 12 taon.
Tinitingnang dahilan ng pagbaba ng piso ay ang patuloy na pagtaas ng inflation rate sa buwan ng Agosto ayon kay Union Bank of the Philippines chief economist Ruben Carlo Asuncion.
Sinabi naman ni BDO Unibank Chief Market Strategist Jonathan Ravelas na patuloy ang paglakas ng dolyar laban sa ibang currencies habang ipinagpapatuloy ang trade war laban sa China.
Dagdag pa ni Ravelas, patuloy din ang pagtaas ng presyo ng langis dahilan para lalong humina ang piso.
Ngayong araw ng Miyerkules (September 5), nakatakdang ilabas ng Philippine Statistics Auhority ang inflation rate para sa buwan ng Agosto.
Matatandaang sinabi ng Bangko Sentral ng pilipinas na inaasahan nilang papalo sa 5.9 percent ang inflation rate para sa Agosto.