Bunsod ng paghagupit ng Typhoon Jebi ay kinansela ng Philippine Airlines ang flights nito ngayong araw ng Miyerkules papunta at paalis ng Osaka, Japan.
Sa isang advisory sinabi ng PAL na isinara ang Kansai International Airport ngayon dahil sa malalakas na hangin at pag-ulan na nagdulot ng pagbaha.
Kanselado ang mga sumusunod na flights:
- Kansai-Manila-Kansai (PR407/408)
- Cebu-Kansai-Cebu (PR410/409)
- Taipei-Kansai-Taipei (PR896/897)
Sa ngayon ay isinara rin ang tulay na nagkokonekta sa Kansai Airport at Osaka City matapos tamaan ng isang tanker ship dahil sa malakas na hangin.
Sinabi ng PAL na ang mga apektadong pasahero ay irerebook sa mga susunod na available na flights or maaaring piliing magpareroute sa iba pang airports ng Japan.
Inabisuhan ang mga pasahero na gustong magpa-rebook, reroute o magrefund na tumawag sa kanilang hotline na 855-8888 o magtungo sa pinakamalapit na ticketing office o partner travel agent.