Nanindigan si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na may kapangyarihan si Pangulong Rodrigo Duterte na ipawalang bisa ang amnesty na ipinagkaloob ng nakaraang administrasyon kay Senador Antonio Trillanes IV.
Ayon kay Panelo, hindi na kailangan ng concurrence ng Kongreso ang naging desisyon ni Pangulong Duterte.
Sinabi pa ni Panelo na ang pagpapawalang-bisa ng pangulo sa amnesty ni Trillanes ay pagprotekta lamang sa bansa mula sa mga political offenders.
Dagdag pa ni Panelo, inabuso ni Trillanes ang amnesty.
Hindi naman aniya maaring igapos ang bayan ni Trillanes na isang political offender.
Ginagawa lamang aniya ng pangulo ang kanyang tungkulin na protektahan ang bayan.
READ NEXT
Pasok sa Florida suspendido dahil sa bagyong Gordon; state of emergency idineklara sa Mississippi
MOST READ
LATEST STORIES