Pasok sa Florida suspendido dahil sa bagyong Gordon; state of emergency idineklara sa Mississippi

AP

Bilang paghahanda sa paghagupit ng bagyong Gordon ay kinansela na ang pasok sa northwest Florida.

Ayon sa mga otoridad, patuloy ang paglaki ng alon sa Pensacola Beach habang binabaybay ng naturang bagyo ang Gulf of Mexico.

Paalala ng mga ito sa mga residente at turista, huwag nang tangkain pang pumunta sa baybaying dagat para sa kanilang seguridad.

Samantala, idineklara na ni Mississippi Governor Phil Bryant ang state of emergency.

Ani Bryant, ito ay upang maihanda na ang lahat ng mga kawani ng pamahalaan, maging ng lahat ng kanilang kakailanganin para sa pagtustos sa mga maapektuhan ng bagyong Gordon.

Nagbabala na ang Mississippi Emergency Management Agency na mayroong posibilidad ng mga buhawi ngayong araw mula hapon hanggang gabi.

Magdadala rin ng mga pagbaha, malakas na ihip ng hangin, at storm surge o daluyong ang nasabing bagyo.

Read more...