Ibinabala ng Oil Industry Management Bureau (OIMB) na magtutloy-tuloy pa ang paglobo sa presyo ng produktong petrolyo sa mga susunod na linggo.
Ito ay sa kabila ng pagtaas sa halaga ng gasolina at diesel ngayong araw na siyang ika-apat na pagkakataon na sa nakalipas na ilang linggo.
Ipinaliwanag ni OIMB Director Rino Abad na mataas ngayon ang demand sa petrolyo dahil sa political krisis sa ilang oil-producing countries.
Kabilang anya dito ang gulo sa Iran, Venezuela at Libya.
Sinabi ng opisyal na ramdam ang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa world market sa kabila ng pagtiyak ng Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC) na dadagdagan nila ang kanilang produksyon.
Base sa monitoring ng OIMB, tumaas sa $3.53 per barrel ang halaga ng gasolina samantalang $3.15 per naman naman ang iniakyat sa presyo ng diesel sa world market sa nakalipas na linggo.
Pati ang presyo ng kerosene o gaas ay tumaas rin ng $3.00 per barrel ayon pa sa OIMB.