Mga militanteng kongresista binatikos ang pagpapa-aresto kay Trillanes

Iginiit ng Makabayan bloc sa Kamara na pananakot sa oposisyon at mga kritiko ng administrasyon ang ginawang pag-revoked ni Pangulong Rodrigo Duterte sa amnesty ni Senator Antonio Trillanes.

Ayon sa Makabayan bloc, nais lamang patahimikin ng administrasyon ang oposisyon kaya ginagawa ito kay Trillanes.

Sinabi ng mga ito na pinapatindi lamang ng pamahalaan ang political persecution dahil sa mga natatanggap ng mga itong kritisismo mula sa iba’t-ibang sektor dahil na rin sa lumalalang kahirapan, pagtaas ng inflation at paglabag sa karapatang pantao.

Dahil dito, idinagdag ng Makabayan bloc na pinapatunayan lamang ng hakbang ng pangulo na hindi ito maaring mapagkatiwalaan lalo na sa mga papasuking kasunduan sa mga rebelde.

Ibinabala rin ng grupo ang paglobo pa ng mga bilanggong pulitikal sa ilalaim ng administrasyong Duterte.

Read more...