Amnesty sa mga dating miyembro ng Magdalo dadaan sa review

Inquirer file photo

Ibinunyag ng Malacañang na isasailalim sa review ng Department of National Defense at ng legal team ang amnesty na ipinagkaloob ni dating Pangulong Benigno Aquino III sa mga sundalong naging bahagi ng Oakwood at Manila Peninsula siege.

Sa pulong balitaan sa Jerusalem sa Israel, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na magiging basehan ang pagdedeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na void ab initio ang amnesty na ipinagkaloob ni Aquino kay Trillanes na hindi naman nag-apply at hindi umamin sa krimeng kudeta ang ginawa nang lusubin ang dalawang nabanggit na mga hotel noong 2003 at 2007.

Sinabi pa ni Roque na mahalagang mabusisi kung sino ang hindi nag-comply sa pagkuha ng amnesty.

Kasama ni Trillanes na nag-aklas noon laban sa administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, Magdalo Rep. Gary Alejano, dating mga military junior officials na sina Nicanor Faeldon, Milo Mastrecampo, Gerardo Gambala at iba pa na ngayon ay nakakuha ng kani-kanilang puwesto sa administrasyon ni Pangulong Duterte.

Read more...