CHR nakialam na rin sa pagpapawalang-bisa sa amnesty ni Trillanes

Inquirer file photo

Bubusisiin na rin ng Commission on Human Rights ang pag-revoke ni Pangulong Rodrigo Duterte sa amnesty na ibinigay kay Sen. Antonio Trillanes IV.

Sa isang ambush interviews sa Kamara makaraan ang budget deliveration, sinabi ni CHR Chairman Chito Gascon na interesado sila sa usaping ito na kinasasangkutan ni Trillanes.

Ayon pa sa opisyal, “Pag-aaralan po namin ‘yung mga implikasyon nito. Ang sa alam po namin, bilang isang constitutional office, meron pong mga rekisito sa pagbigay ng amnesty, ang mga proseso dyan at mga aspeto nyan ay sang-ayon din po sa Saligang Batas”.

Ipinaliwanag rin ni Gascon na hindi pwedeng bawiin ang amnesty kapag ito ay naipagkaloob na sa isang indibiduwal.

Kailangan rin umanong dumaan sa pagbusisi ng Kongreso ang ibinibigay na amnesty at dumaan ito sa tamang proseso bago naipagkaloob kay Trillanes noong panahon ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Si Trillanes ay magugunitang nasangkot sa ilang beses na pagtatangka na pagabsakin ang pamahalaan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo pero siya ay nabigo.

 

Read more...