Lalo pang pinalakas at pinagtibay ng Israel at Pilipinas ang ugnayan ng dalawang bansa.
Kapwa sinaksihan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu ang paglagda sa tatlong agreement.
Kabilang na rito ang Memorandum of Agreement on the Temporary Employment of Home-Based Filipino Caregivers; Memorandum of Understanding on Scientific Research at Memorandum of Intent in the Collaboration on Promotion of Bilateral Direct Investment.
Umaasa si Pangulong Duterte na dahil sa nilagdaang kasunduan lalo pang tatatag ang ugnayan ng dalawang bansa.
Una rito, personal na pinasalamatan din ni Pangulong Duterte si Netanyahu sa napakalaking tulong ng Israel para mabawi ng gobyerno ang Marawi City.
“Thank you and may we continue to be blessed with a strong relationship. I do not think that there will ever be a time when there is an irritation even between our two countries. We share the same passion for peace. We share the same passion for human beings but we also share the same passion of not allowing our country to be destroyed by those who have the corrupt ideology who nothing but to kill and destroy,” ani Pangulong Duterte.