Ito’y makaraang bawiin ng Palasyo ang amnesty proclamation ng Aquino administration para kay Trillanes.
Ayon kay NUPL Secretary General Edre Olalia, “toe the line or get out of the way,” ang mensahe ng Duterte administration sa mga kritiko nito.
Ibig sabihin, sumunod ka o umalis ka na lang upang maiwasan ang anumang panggigipit ng pamahalaang Duterte.
Sinabi pa ni Olalia na labis na masaklap ang nangyari dahil matapos ang ginawa kina Senador Leila de Lima, dating Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno at Sister Particia Fox, ngayon ay si Trillanes naman ang ginipit.
Dagdag ng grupo, malinaw na pilit na binabago ng administrasyong Duterte ang batas para sa maisulong lamang ang kanilang political agenda.
Tanong ngayon ni Olalia, sino ang susunod na gigipitin ng administrasyon, lalo’t si Pangulong Duterte at ang kanyang mga tauhan ay kayang gawin ang kahit ano para mapatahimik ang mga kritiko.