Akbayan Rep. Villarin inalis bilang complainant sa impeachment complaint vs SC justices

Inquirer FILE

Hindi isinama ng House Justice Committee bilang complainant sa reklamong impeachment laban sa pitong mahistrado ng Supreme Court si Akbayan Party-list Rep. Tom Villarin.

Ayon kay House Justice Committee Chair Salvador Doy Leachon, hindi maaring isama bilang complainant si Villarin dahil hindi niya ito nalagdaan bago isinumite sa House Secretary General.

Dahil dito, tanging sina Albay Rep. Edcel Lagman, Magdalo Party-list Rep. Gary Alejano at Ifugao Rep. Teddy Baguilat lamang ang kinikilala ng komite bilang impeachment complainants.

Humirit si Villarin sa komite na payagan siyang makapirma sa impeachment complaints bago pormal na magsimula ang kanilang deliberasyon para rito.

Paliwanag nito hindi siya nakapunta noong inihain ang impeachment complaints sa tanggapan ng Secretary General dahil may emergency siyang kailangan na atupagin.

Subalit hindi ito pinayagan ni Leachon dahil na rin ito raw ang isinasaad sa kanilang rules.

Read more...