Kiangan, Ifugao niyanig ng magnitude 3.3 na lindol

Tumama ang magnitude 3.3 na lindol sa Ifugao, Martes ng umaga.

Batay sa inilabas na impormasyon ng Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 9 kilometers South ng Kiangan bandang 11:38 ng umaga.

May lalim ang lindol na 9 kilometers at tectonic ang pinagmulan.

Gayunman, walang napaulat na pinsala sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...