Ayon kay Oriental Mindoro Rep. Salvador Doy Leachon, ang pagdinig ngayong araw ay upang alamin kung may sapat ba form and substance ang reklamo.
Sinabi nito na diringgin ng kanyang komite jointly ang lahat ng mga impeachment complaint dahil may kaugnayan naman ang mga ito.
Kapag napatunayang may sapat na form and substance ang reklamo itatakda ng komite ang pagdinig kung mayroon namang probable cause para litisin ang pitong mahistrado.
Gayunman, kapag may pagkakamali sa form o kulang sa substance ay ibabasura naman ang reklamo.
Sa ilalim ng House Rules mayroong 60-session days ang komite upang magpasya sa reklamong impeachment mula ng ito ay mai-refer sa kanilanh ng plenaryo.
Dalawang linggo na ang nakalipas nang ipinagharap ng impeachment complaint sa Kamara nina Albay Rep. Edcel Lagman, Magdalo party-list Rep. Gary Alejano, Ifugao Rep. Teddy Baguilat, at Akbayan party-list Rep. Tom Villarin ang pitong mahistrado ng korte.
Kabilang dito ang bagong talagang si Chief Justice Castro at mga Associate Justices na sina Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Andres Reyes, Francis Jardeleza, Noel Tijam at Alexander Gesmundo.