Tiniyak ng Palasyo ng Malakanyang na may sapat ng suplay na ng bigas sa mga susunod na araw.
Paliwanag ni Presidential Spokesman Harry Roque, ito ay dahil darating na sa bansa ang 150,000 na metriko tonelada na bigas na inangkat ng Pilipinas.
Bukod dito sinabi ni Roque na malapit na rin ang anihan ng mga magsasaka sa buwan ng Disyembre.
Tiniyak pa ni Roque na marami pang mga negosyante ang mag-aangkat ng bigas sa mga susunod na araw.
May mga negosyante na anya ang pinayagan ng pangulo na makapag-angkat ng bigas kahit maliliit na bulto lamang mula sa Malaysia ng may taripa para sa suplay na kailangan sa may bahagi ng Basilan, Sulu, Tawi-tawi at Zamboanga Peninsula.
Kasabay nito nanawagan ang palasyo sa mga negosyante ng bigas na iwasan na ang magtago o maghoard ng mga bigas sa kani-kanilang mga bodega para hindi makasuhan ng economic sabotage.