Filipino community sa Tripoli, Libya pinag-iingat kasunod ng deklasyon ng state of emergency

Pinag-iingat ng pamahalaan ang mga Filipino sa Tripoli, Libya matapos ideklara ang state of emergency doon dahil sa nagpapatuloy na labanan ng mga armadong grupo na ikinasawi na ng marami kabilang ang mga sibilyan.

Sa abiso ng Embahada ng Pilipinas Tripoli, pinayuhan ang mga Pinoy na manatiling kalmado at iwasan na munang maglalabas.

Mas makabubuti umanong mag-imbak ng makakain at inumin na tatagal ng ilang mga araw, at palagiang mag-monitor ng mga kaganapan.

Tiniyak din ng embahada na sapat ang kanilang tauhan para maasistihan ang mga Pinoy sa Tripoli sakaling kailanganin.

Kung nasa emergency situation, sinabihan ng embahada ang mga Pinoy na agad tumawag sa mga otoridad para makahingi ng tulong lalo at tensyonado pang maituturing ang sitwasyon ngayon sa lugar.

Read more...