Naniniwala ang Makanyang na hindi pa sapat na basehan ang panibagong pagsabog sa Isulan, Sultan Kudarat para muling palawigin ang umiiral na martial law sa Mindanao Region.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, magiging epektibo ang martial law hanggang sa Disyembre ngayong taon.
Sa ngayon sinabi ni Roque na masyadong maaga pa para sabihin na may pangangailangan na palawigin pa ang batas militar.
Dagdag ng kalihim mas makabubuti na aksyunan muna ang kasalukuyang sitwasyon sa Mindanao Region.
Ayon kay Roque naniniwala ang Pangulong Rodrigo Duterte na mayroong grupo lamang na gustong maghasik ng kaguluhan.
Kahit nasa Israel anya ang pangulo updated pa rin ito sa kaganapan sa Sultan Kudarat.
Tiniyak naman ni Roque na under control ng pamahalaan ang sitwasyon.
Makaaasa rin anya ang mga biktima ng pagsabog na aayudahan ng pamahalaan.