Mahigit P1M halaga ng shabu nasabat sa tricycle driver sa Maynila

Arestado ang isang 20 anyos na tricycle driver sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD).

Nadakip ang suspek sa Sta. Mesa, Maynila matapos magpositibo ang operasyon ng mga otoridad,

Nakuha mula sa suspek na si alyas Gair ang labingisang sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 200 gramo.

Tinatayang aabot sa P1 milyon ang halaga ng ilegal na drogang nasabat sa suspek.

Ayon sa mga pulis matagal na nilang minamanmanan si Gair matapos makatanggap ng impormasyon na sangkot ito sa pagtutulak ng ilegal na droga sa lugar.

Read more...