Malaking bahagi ng bansa apektado ng Habagat

Habagat pa rin ang nakaaapekto sa malaking bahagi ng bansa ngayong araw partikular sa Central at Southern Luzon at sa buong Visayas at Mindanao.

Sa weather forecast ng PAGASA, ang Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon, Bicol Region, Mimaropa, Western Visayas, Zamboanga Peninsula at ARMM ay makararanas ng maulap na papawirin ngayong araw na mayroong kalat-kalat na pag-ulan dahil sa habagat.

Babala ng Pagasa ang pag-ulan na mararanasan sa mga nabanggit na lugar ay maaring magdulot ng pagbaha o landslides.

Samantala ang nalalabi pang bahagi ng bansa ay magkakaroon lamang ng bahagyang maulap na papawirin na mayroong isolated na mga pag-ulan.

Ang bagyong binabantayan ng pagasa na Typhoon Jebi na nasa labas ng bansa ay huling namataan sa 1,575 kilometers northeast ng extreme Northern Luzon.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 160 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 195 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa direksyong pa-hilaga sa bilis na 25 kilometers bawat oras.

Walang direktang epekto ang nasabing bagyo saanmang panig ng bansa.

Read more...