Ayon sa senador, gusto niyang ipatawag ang mga opisyal ng Bureau of Customs (BOC) upang ipaliwanag ang sitwasyon ngayon sa mga pantalan.
Aniya, dahil sa pagkabalam ng pagre-release ng mga kargamento sa mga pantalan, nalulugi ang mga negosyante sa bansa.
Bukod pa aniya ito sa dami ng mga reklamo ng mga overseas Filipino workers (OFWs) associations, maging mga grupo ng importer, traders, at brokers.
Batay umano sa datos ng National Economic Development Authority (NEDA), P2.5 bilyon ang nalulugi sa bansa dahil sa port congestion.
Paliwanag ni Pimentel na siya ring chairman ng Trade, Commerce, and Entrepreneurship Committee sa Senado, inaabot ng apat hanggang limang araw sa pier ang mga kargamento at dagdag na dalawa hanggang tatlong araw bago matanggal ang mga laman nito sa mga warehouse.
Sa kabuuan aniya, pito hanggang sampung araw ang pa kailangang hintayin na nagreresulta sa mas malaking storage charge na kalaunan ay ipinapasa sa mga mamimili.
Ani Pimentel, gusto niyang marinig mula sa mga Customs officials ang kanilang mga suhestyon upang maisaayos ang naturang problema, lalo na’t pumasok na ang Ber months, at inaasahang dadami pa ang mga padala, lalo na mula sa mga OFW.