Laoag City niyanig ng M3.3 na lindol

Naramdaman ang isang magnitude 3.3 na lindol sa lungsod ng Laoag sa Ilocos Norte, madaling araw ng Martes.

Ayon sa PHIVOLCS, naganap ang pagyanig kaninang alas-3:01 ng mdaling araw.

Naitala ang episentro ng lindol sa 21km hilagangkanluran ng Laoag City.

May lalim itong 32km at tectonic ang pinagmulan.

Walang naitalang intensities ang lindol. Wala ring inaasahang anumang pagkasira ng mga ari-arian o aftershocks ang naganap na pagyanig.

Read more...