Bagong UN Rights Chief Michelle Bachelet, hinimok ang Myanmar na palayain ang 2 Reuters reporters

Hinimok ng bagong UN Rights Chief na si Michelle Bachelet ang gobyerno ng Myanmar na palayain ang dalawang 2 Reuters na mamamahayag.

Ayon kay Bachelet, kanyang ikinagulat ang pagpapataw ng nasa 7 taong pagkakakulong sa nasabing 2 mamamahayag.

Sina Wa Lone, 32 taong gulang at Kyaw Soe Oo, 28 taong gulang ay kinasuhan dahil sa paglabag umano sa state secrets law ng Myanmar habang nag-uulat kaugnay ng masaker sa mga Rohingya Muslims.

Dahil sa naging hatol, pagkadismaya ang naging tugon ng international community/

Dahil sa anila’y pagkontrol sa pagbabalita sa isinagawang crackdown ng security forces ng Myanmar sa minority na mga Muslim Rohingya sa Rakhine state.

SI Bachelet ay ang dati ding presidente ng Chile.

Read more...