Sa inilabas na pahayag na pirmado nina Philippine Ambassador to Indonesia Leehiong Wee at Indonesian Ambassador to the Philippines Sinyo Harry Sarundajang ay nagkasundo ang dalawang bansa para dito.
Ayon dito, na dahil sa muling pagbuhay ng nasabing flight ay umaasa na makakadagdag ito sa pag-unlad ng turismo, trade at investment sa dalawang bansa.
Ang Davao ay isanng economic powerhouse na lungsod sa bansa habang ang Manado ay isang business center sa Indonesia at gateway para sa iba pang magagandang aktibidad sa bansa ayon kay Transport Undersecretary for Airports and Aviation, na kasama ding sumaksi sa paglagda ng kasunduan.
Aniya dahil dito, makakatulong ang pagkakaroon ng commercial flights sa pagitan ng dalawang lungsod para sa mga estudyante na mula sa Manado na nag-aaral sa Davao.
Kaugnay ito ng naging pagpupulong ng mga ambassadors ng 2 bansa at ni Transportation Secretary Arthur Tugade noong August 31.