PM Netanyahu, lubos ang pasasalamat sa pagbisita ni Pangulong Duterte sa Israel

Lubos ang pasasalamat ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu sa pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanilang bansa.

Binigyang diin ni Netanyahu na ito ang unang pagkakataon na ang isang pangulo ng Pilipinas ay bumista sa Israel.

Una ang binatikos ang pagbisita ni Duterte sa nasabing bansa dahil sa mga kontrobersiyal nitong mga komento kaugnay ng Holocaust.

Noong 2016, sinabi ni Pangulong Duterte na masaya niyang ipapataya ang nasa tatlong milyong nga drug addicts tulad ng ginawa ng German dictator na si Adolf Hitler sa nasa anim na milyong mga Jew noong World War II.

Kaugnay nito, ay humingi na ng paunmanhin ang panulo sa Jewish community dahil sa kanyang naging pahayag.

Aniya hindi niua intensiyon na bastusin ang ala-ala ng mga namatay na Hudyo noong panahon ng Holocaust.

Read more...