Hindi naiwasan ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging emosyonal sa pagharap sa mga Filipino sa Israel.
Bago pa man nagsimula ang pangulo sa kanyang talumpati sa harap ng Filipino community ay agad na itong nagpahid ng kanyang luha.
Sinabi ng pangulo na naging mainit kasi ang pagtanggap sa kanya sa Israel at naging maayos ang pagtrato ng kanilang gobyerno sa mga Filipinong manggagawa doon.
Idinagdag pa ng pangulo na bihirang pagkakataon lamang siya umiiyak tulad na lamang noong namatay ang kanyang mga magulang..
Ipinaliwanag rin ng pangulo na kaya siya naiyak ay dahil alam niyang nasa holy land siya.
Binigyang-diin rin ng pangulo na kahit kailan ay hindi niya sinabing hindi siya naniniwala sa diyos dahil ang sinabi lamang niya umano ay hindi siya naniniwala sa sinasambang diyos ng ibang tao.