Malacañang nagpaliwanag sa bilang ng mga kasama ni Duterte sa Israel

Inquirer file photo

Mariing itinanggi ng Malacañang na aabot sa 400 ang bilang ng mga kasama ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang official visit sa Israel.

Ayon kay Presidential Sporsman Harry Roque, nasa apatnapu’t anim na personalidad lamang ang nasa official delegation ng pangulo.

Taliwas ito sa ulat ng Times of Israel, isang daily newspaper sa naturang bansa na nasa 400 umano ang delegasyon ng pangulo.

Iginiit ng kalihim na hindi niya batid kung saan nanggaling ang ulat na aabot sa ganoon karami ang kasama sa byahe ng pangulo.

Gayunman, aminado si Roque na aabot sa 150 ang mga negosyante na inimbitahan ng pangulo na sumama sa kanyang byahe.

Pero ang gastos ng mga ito ay kanilang papasanin at hindi sila ililibre ng Malacañang ayon pa sa kalihim.

Bukod sa mga miyembro ng gabinete ay kasama rin ni Duterte sa kanyang Israeli trip ang ilang opisyal ng Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines at Philippine Coast Guard.

Read more...