Asec. Mocha Uson idinepensa ng pangulo sa mga kritiko

Ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte si Presidential Communications Asec. Mocha Uson sa kabila ng kaliwa’t kanang kapalpakan sa gobyerno.

Sa talumpati ng pangulo sa harap ng Filipino community sa Israel, sinabi nito na may mga pagkakataon na sumobra si Uson.

Matatandaang umani ng batikos si Uson matapos mag- viral ang kanyang video sa pagpo-promote ng pederalismo gamit ang masesealang bahagi ng katawan ng babae.

Ayon sa pangulo, maraming kalaban at kritiko si Uson.

Pero bagamat nasobrahan, sinabi ng pangulo bahagi lamang ng freedom of expression ang ginawa ni ng PCOO official.

“Well, I don’t know but alam mo, ganito ‘yan eh. There are things na tingin ko medyo nasobrahan. But just the same as a President who is sworn to protect the constitution and enforce it, it is covered with ‘yung privilege nila — freedom of expression”, ayon sa pahayag ng pangulo.

Nauna dito ay nanawagan na rin pati ang mga kasamahan ni Uson sa PCOO na magbakasyon muna ito dulot ng pinakahuling kontrobersiya na kanyang kinasasangkutan.

Read more...