SSS nagbukas ng loan program para sa mga pensiyonado

INQUIRER PHOTO / GRIG C. MONTEGRANDE

Simula ngayong araw ay pwede nang mag-avail ng pension loan ang mga retiradong benepisyaryo ng Social Security System (SSS).

Ayon kay SSS President and Chief Executive Officer Emmanuel Dooc, ang pension loan program ay bilang tugon sa nga panawagan ng mga nakakatanda na matulungan sila ng SSS na nabibiktima at nababaon sa utang ng mga loan institution.

Sinabi pa ni Dooc na malaki ang maitutulong nito sa mga senior citizen na makapag-apply ng kanilang mga pangangailangan gaya ng emergency medical expenses.

Bilang pasimula ng proyekto, aabot sa 20 branches ang binuksyan ng SSS para sa mga retiradong mag-aaplay ng pension loan program.

Ang SSS ay naglaan ng P100 Billion para sa proyekto at maaring makapag loan ng hanggang P32,000 ang mga nakakatanda na hindi lalagpas ng 80 taong gulang.

Read more...