12mn nationwide curfew gustong ipatupad ni Duterte

Inquirer file photo

Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na nais niyang ipatupad sa buong bansa ang umiiral na curfew sa Davao City na bawal na ang pakalat-kalat sa mga kalsada  simula alas-dose ng hatinggabi.

Sa talumpati ng pangulo sa harap ng Filipino community sa Israel, sinabi nito na naging matahimik ang Davao City dahil sa curfew.

Ayon sa pangulo, kung maari lamang ay nais niya itong ipatupad sa buong bansa kung saan bawal na ang pag-tambay simula hatinggabi.

Pero ayon sa pangulo, batid niyang malabo itong maipatupad dahil dahil tiyak na papalag na naman ang mga human rights group.

Sinabi pa ng pangulo mahihirapan siyang pairalin sa buong bansa ang naturang polisiya dahil marami ang aalma sa curfew.

“So ngayon alas-dose, mas matahimik na ang Davao. Walang lumalabas sa Davao. ‘Yang tambay-tambay sa kanto. Makita ka nito pagdaan niya, wala huli ka. Wala, wala talaga sa Davao”, ayon pa sa pangulo.

Read more...