UN Tribunal, may hurisdiksyon sa reklamo ng Pilipinas kontra China

 

Mula sa inquirer.net

Saklaw ng huridiksyon ng United Nations Arbitral Tribunal na isulong ang pag-aaral sa kasong isinampa ng Pilipinas laban sa China sa isyu ng pang-aagaw nito ng teritoryo sa South China Sea o West Philippines Sea.

‘Unanimous’ ang naging desisyon ng UN panel sa naturang isyu batay sa siyam na pahinang press release na inilabas ng Permanent Court of Arbitration sa kaso ng Pilipinas vs. China.

Sa naturang desisyon o ‘Award’, nilinaw ng UN panel sa The Hague, Netherlands  na tanging ang isyu lamang ng hurisdiksyon sa reklamo ng Pilipinas laban sa China ang tinalakay.

Hindi pa anila bahagi dito ang aspeto o merito ng kaso na isinampa ng Pilipinas laban sa China.

Ang dalawang bansa aniya ay bahagi ng United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS kaya’t kapwa ito saklaw ng ng mga probisyong napapaloob dito partikular sa isyu ng pagresolba sa mga ‘disputes’o hindi pagkakaunawaan.

Kahit hindi aniya nakiisa ang China sa proseso sa mga nakaraang pagdinig, hindi nangangahulugang hindi na aaksyunan ng UN panel ang naturang isyu.

Bunsod ng kanilang desisyon, mauumpisahan na ang mga pagidinig sa reklamo ng Pilipinas na batay umiiral na UNCLOS.

Inaasahan ng tribunal na makapagbibigay ito ng desisyon sa merito ng kaso sa susunod na taon.

Read more...