Duterte: Lusubin ang mga bodega ng rice hoarders

Inquirer file photo

Inutusan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine National Police (PNP) at Department of Interior and Local Government (DILG) na salakayin na ang mga bodega ng mga rice hoarder sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nagkaroon ng mini cabinet meeting ang pangulo at mga miyembro ng gabinete sa loob ng eroplano kahapon habang patungo sa Israel para sa kanyang official visit.

Ipinaliwanag ng kalihim na mismong si DILG officer-on-charge Eduardo Año ang kanyang inatasan na ipasalakay na sa mga puis ang mga bodega ng mga negosyante na pinaniniwalang nagtatago ng bigas.

Sinabi pa ni Roque na nadidismaya na ang pangulo na ginagawa nang isyu ng mga kalaban ng administrasyon ang suplay ng bigas.

Nais aniya ni Duterte na masampulan ang mga rice hoarder para matigil na ang problema sa suplay at mataas na presyo ng bigas.

Read more...