Dinipensahan ni Pangulong Rodrigo Duetrte ang kanyang pahayag na kaya mataas ang kaso ng rape sa Davao ay dahil sa marami sa kaniyang mga kababayan ang magaganda.
Sa talumpati ng pangulo sa harap ng Filipino community sa Israel, sinabi nito na nang sabihin niya na maraming maganda sa Davao ay hindi naman ito nangangahulugan na lahat sila ay na-rape o nagahasa na.
Sinabi pa ng pangulo na maaring natutukso lamang ang mga suspek dahil sa magaganda ang mga taga-Davao.
Iginiit pa ng pangulo na bahagi lamang ng freedom of expression ang kanyang naging pahayag.
“Sabihin na naman nilang misogynist ako, woman ano. Kaya itong mga ano magsabi ka lang may nag — maraming rape sa Davao. Sabi ko, “eh siguro kasi maraming maganda sa Davao.” Hindi ko naman sabi ni-rape lahat ‘yan. But you are almost mesmerized or tempted. That’s how you control yourself. It is a democracy. Freedom of expression,” ayon sa pangulo.
Una nang sinabi ng Philippine National Police (PNP) na isa ang Davao sa may pinakamataas na kaso ng mga panggagahasa sa Pilipinas.
Bago naging pangulo ng bansa, nagsilbing mayor si Duterte sa Davao ng dalawampu’t tatlong taon.