Taos-pusong pinasalamatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pamahalaan ng Israel sa pangunguna ni Prime Minister Banjamin Netanyahu dahil sa pag-imbita sa kanya at sa magandang pagtrato sa mga Overseas Filipino Workers (OFws) sa kanilang bansa
Sa talumpati ng pangulo sa harap ng Filipino community, sinabi nito na ang Israel ang isa sa mga pinakamagagandang lugar na puwedeng puntahan ng mga Filipino.
Kung maari lamang aniya ay dalhin na niya sa israel ang lahat ng mga Filipino.
Tiniyak naman ng pangulo sa mga Filipino sa Israel na titignan niya kung paanong mas mapabuti pa ang kalagayan nila.
Binigyang-diin ng pangulo na responsibilidad niya na personal na makitang maayos ang kalagayan ng kanyang mga kababayan hindi lang sa Israel kundi sa iba pang bansa.
Si Pangulong Duterte ang kauna-unahang pangulo ng Pilipinas na nagsagawa ng official trip sa Israel kung saan tinatayang 28,000 na mga Pinoy ang nagtatrabaho at naninirahan doon.