Naganap ang pagdukot at pagpatay kina Nestor Daingan at Rene Usman sa Datu Hoffer, Ampatuan ilang oras bago ang pagsabog sa naganap sa Isulan, Sultan Kudarat Linggo ng gabi.
Ayon kay Brig. Gen. Cirilito Sobejana ng 6th Infantry Division ng Philippine Army, nagtutullungan na ang intelligence agents ng AFP at Philippine National Police para maaresto at makasuhan ang mga nasa likod ng pagpatay.
Patungo sa kanilang sinasakang bukirin ang dalawang biktima nang sila ay harangin ng mga bandidong BIFF sa pamumuno ni Jai Abubakar at Boy Sarong, tinalian sila at saka binaril.
Sina Abubakar at Sarong ay wanted dahil sap ag-atake sa Teduray communities noong nakaraang taon.
Matapos ang pagpatay sa dalawang biktima, sinunog naman ng dalawang lider kasama ang kanilang mga tagasunod ang mga bahay sa lugar
Sinundan pa ito ng pag-atake ng BIFF sa tatlong detachment ng militar sa kalapit na bayan na Datu Unsay.
Sugatan sa nasabing pag-atake sina 1Lt. Rey-Jay Ramos at Sgt. Jerry Nicor matapos nilang pigilan ang mga rebelde na mapasok ang kanilang detachment.