Pag-iral ng number coding ngayong araw tuloy ayon sa MMDA

Tuloy ang pag-iral ng number coding sa Metro Manila ngayong araw.

Ito ang inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) matapos ulanin ng katanungan sa Twitter kung susupindehin ba ang coding.

Ayon sa MMDA kahit may ilang lugar sa Metro Manila na nagsuspinde ng klase ngayong araw ng Lunes ay tuloy ang pagpapatupad sa number coding.

Dahil dito ang mga sasakyan na ang plaka ay nagtatapos sa number 1 at 2 ay hindi pwedeng makabiyahe sa Metro Manila.

 

Read more...