Concert ng Irish band na U2 sa Germany maagang tinapos; vocalist nawalan ng boses

AP Photo

Nabitin ang maraming tagahanga ng Irish rock band na U2 makaraang agad tapusin ang concert nila sa Berlin, Germany.

Nawalan kasi ng boses ang vocalist ng grupo na si Bono kaya nagpasya ang organizer ng concert na hindi na tapusin ang pagtatanghal.

Sa website ng U2, tiniyak naman ng duktor na walang seryosong banta sa kalusugan ni Bono ang pagkawala ng boses nito habang nagtatanghal sa Berlin.

Dahil maraming manonood ang nadismaya, babalik ang grupo sa Berlin sa Nov. 13 para muling magsagawa ng concert.

Nagawa pa rin naman ni Bono na tapusin ang kantang “Beautiful Day” at pagkatapos inanunsyo na magkakaroon muna ng maiksing break na kalaunan ay sinundan ng anunsyong tatapusin na ang show.

Ang concert sa Berlin ay bahagi ng European tour ng U2 na “Experience + Innocence”.

Read more...