Sinibak na sa pwesto ni Philippine National Police (PNP) chief, Director Oscar Albayalde ang matataas na opisyal ng PNP sa Masbate at sa Sultan Kudarat.
Ito ay matapos ang mga naganap na pagsabog sa dalawang lalawigan.
Partikular na sinibak sa pwesto ang provincial directors sa Sultan Kudarat at sa Masbate.
Sinibak din ang chief of police ng Isulan police station.
Sa Isulan, Sultan Kudarat dalawang magkasunod na pagsabog na ang naganap na ikinasawi ng apat na katao at ikinasugat ng maraming iba pa.
Habang sa Masbate Port, dalawang magkasunod na pagsabog na rin ang naganap, ang una ay noong nakaraang buwan at ikalawa ay Lunes (Sept. 3) ng madaling araw.
MOST READ
LATEST STORIES