Most wanted ng Batasan Police Station huli sa buy-bust operation

QCPD Photo

Arestado ang isang truck driver na number 1 most wanted ng Quezon City Police District Station 6 sa ikinasang anti-drug operation.

Kinilala ang suspek na si Noe Dormitoryo alyas Boboy, 33 anyos na naaresto sa Domingo St. Phase 1, Lupang Pangako, Brgy. Payatas B, Quezon City.

Ang suspek ay nakuhanan ng sampung piraso ng plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Nakuha din sa kaniya ang P1,000 naa ginamit na buy-bust money.

Ang suspek ay nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165.

Read more...